Showing posts with label Kaibigan ng mga Tunay na Veyklas. Show all posts
Showing posts with label Kaibigan ng mga Tunay na Veyklas. Show all posts

Tuesday, August 24, 2010

Venus Raj Miss Universe 2010 Tunay na Veykla Queen!

Yes, ladies and gentlemen! Iteykla ay isang major major way kong pagbigay tribute sa nag iisang si Maria Venus Raj! 'Di man nya nasungkit ang korona ng Miss Universe 2010 ay heto naman at malugod kong ina-award ang crowning glory ng aking blog: ang titulong Tunay na Veykla 2010 and for all Eternity!

(i-double click ang piktyuresa para lumaki at makita ang detalye ng crowning glory n'ya)

O di ba ni, getching ng lahat ng tunay na veyklas ang answerlulu nya sa kweystyon ni Papa William Baldwin. Opening line pa lang: "Thank you so much sir for that wonderful question, good evening Ladies and Gentlemen, good evening Las Vegas!" alam mo na ha! Laking byukonerang tunay na veykla ang Venus! At syempre knowing na naten lahat kung aneklabum ang truling meaning ni Venus Raj nung seychi nya na "major major," which is? O, sabay sabay sambitin mga tunay na veyklas! "BONGGANG BONGGA!" Di ba ni!

Ning! Nanginig ang luha ko sa na achieve ng lola Venus Raj nyo!

Kaya, para sa ken, 'di lang sya Miss Wish Ko Lang 2010, 4th Runner up Miss Universe 2010...sya rin ang "Tunay na Veykla 2010 and for all Eternity!"

Sunday, July 18, 2010

"Cinco" the Movie; Ba't Love ng Tunay na Veyklas ang "Puso" ni Cathy Garcia-Molina!



Pazenzia na. Dis is sow out of the regular Tunay na Veyklas chuvalu.

Oo na, aaminin ko na ney! It's truvalu! Super love ko na si Cathy Garcia-Molina officially! In fernez, ang dami nang nagspyuk sa ken na mga tunay na veyklas sa naturalesang powers ni Cathy Garcia-Molina sa pagdidirihe ng mga pelikulang sapul sa mga emosyon at kasukasuan ng mga Pilipinong kautawan. O zsa zsa padilla! Aminin ko ney, love ko ang film n'yang "You are the One," ung kung san ang favorite ekzena ko of all time ay ung pinagbalat ni Toni Gonzaga ng isang supot ng butong pakwan si Sam Milby, kever na kung super puti na sa asin ang labi nya afterwards! Napangiti rin naman ako sa "rain dance" ni Sarah Geronimo sa "A Very Special Love" at nahaplos ng awa ang puso ko with matching ngilid labi sa sitwasyon ni John Lloyd na isang anak na umaamot ng pagmamahal sa ama nya.

Pero pero pero, sa pelikulang horror na "Cinco," ispeysyalee sa dinirect ni Cathy Garcia-Molina na "Puso," super labs ko na zsa! Sabit akey ng 3 dozenang sampagita sa leeg nya! Zuper!

First horror film ng lola Cathy Garcia-Molina mo, pero super patok! Sya lang ang nakapagpalabas ng tili sa lalamunan ni Anufi Veykla sa loob ng sinehan. Kever ko sa chakavers na unang episode na "Kamay" at ang nasalaulang "Hawak kamay" na song number dun with matching putol na kamay na nakadaklot sa pututoy nung isang menchak. Lalong kever ko rin sa episode na "Mata" nina Maja Salvador na halatang tamad tamaran na lang sa ideya. 2nd runner up sa ken ang "Paa" with Jodi Sta.Maria dun oldoww kakabagot ang mga panakot effects. Saved by the bell lang ito ng may tatak na role ni Sharmaine Centera (ung mudraka ng bata). At syempre first runner up for me ang "Mukha" na pinagbidahan ni Mariel Rodriguez. In fernez ha, wagi at bagay sa kanya ang akting ditey. Pinakalabs kong ekzena ni Mariel ung sa huli sa loob ng elevator na nasa sulok na lang syang nakaupo at nagsisisigaw syang marahan ng "you're fired, you're fired" (naalala ko tuloy bigla ang nalukris na babaita na na-fire ni Kimi sa Kimi Dora). At syempre ang super winerla para sa ken eh ang "Puso" nga ni lola Cathy Garcia-Molina mech!

Vakeet? Kze unang una, bongga ang idea! What if nga, neng, na ikaw eh za super lungkot mari mo sa buhay dahil za super kasyongitan mech eh super gamit ka (***SPOILER alert sa di pa nakanuod, waz na ituloy ang pagbabasa nitey muna kung gusto nyo manuod muna) ng gayuma ever para lang nga mapasayo ang super labs mong tunay! Haist! O de vah, sa isang mega peryahan ka pa work! At kaw ba naman ang may me katrabahong ka zuper gwashmacole ni Zanjoe Marudo no ning pag di ka malurkey sa pagka-inlab! At ang trabahey nyo pa eh sa Horror Ride! Perfect galore ang setting da vah. Ang kilig moments ng mga tunay na veyklas ay ang hangin hanginan effect moment nang makita ni Pokwang si Zanjoe papunta sa kanya! At syempre super labs ko si Pokwang! Pokwang is a certified tunay na veykla! Heniwey, wiz ko na ikwentazh ang lahat mari ditey dahil watch nyo na rin! Ang super like kech eh un panu nga nadirek itey ni madam Cathy! May-I-super tili ka pero may kurot talaga sa puso mo sa ending. Mapaseyvi ka talaga ng "haayyy." Super klap akey for Cathy Garcia-Molina at writer nitez! I hope to meet you soon Mader! Super plangganang palakpak mula sa mga tunay na mga veyklas!

Wednesday, September 30, 2009

Must-Have Help sa Aftermath ng Ondoy

Ay, dapat may ganitey na mga bumbastic bumbero sa mga panahong itwu. Pampaalis putik at stress. :)

Sunday, September 13, 2009

Rafael Nadal: Kaibigan ng mga Tunay na Veyklas

I love Rafael Nadal already! Yes, as in Rafael Nadal the tennis superstar! Inggit ako sa veyklang itwu na nagnakaw ng halik sa kanya. Keri lang ni Nadal naman. Ang say lang n'ya about the whole thing is: “For me, it wasn’t a problem. The guy was really nice,” Nadal said. “He said, ‘I love you,’ and he kissed me.”

Ang namesung ng veykla ay si Noam U. Aorta.

At etwu ang panalong video ng pangyayari!

Monday, June 15, 2009

Kaibigan ng mga Tunay na Veyklas: Buko Vendor sa Boracay


Yes, sa dagat ng Boracay. Super close ang mga tunay na veyklas sa mga nagtitinda ng mga buko na ito habang umaalon alon sa karagatan.



(ang photo ay nagetching sa http://filipinolifeinpictures.blogspot.com/search/label/ambulant%20vendor)