Showing posts with label tunay na veykla (non-showbiz). Show all posts
Showing posts with label tunay na veykla (non-showbiz). Show all posts

Tuesday, August 24, 2010

Venus Raj Miss Universe 2010 Tunay na Veykla Queen!

Yes, ladies and gentlemen! Iteykla ay isang major major way kong pagbigay tribute sa nag iisang si Maria Venus Raj! 'Di man nya nasungkit ang korona ng Miss Universe 2010 ay heto naman at malugod kong ina-award ang crowning glory ng aking blog: ang titulong Tunay na Veykla 2010 and for all Eternity!

(i-double click ang piktyuresa para lumaki at makita ang detalye ng crowning glory n'ya)

O di ba ni, getching ng lahat ng tunay na veyklas ang answerlulu nya sa kweystyon ni Papa William Baldwin. Opening line pa lang: "Thank you so much sir for that wonderful question, good evening Ladies and Gentlemen, good evening Las Vegas!" alam mo na ha! Laking byukonerang tunay na veykla ang Venus! At syempre knowing na naten lahat kung aneklabum ang truling meaning ni Venus Raj nung seychi nya na "major major," which is? O, sabay sabay sambitin mga tunay na veyklas! "BONGGANG BONGGA!" Di ba ni!

Ning! Nanginig ang luha ko sa na achieve ng lola Venus Raj nyo!

Kaya, para sa ken, 'di lang sya Miss Wish Ko Lang 2010, 4th Runner up Miss Universe 2010...sya rin ang "Tunay na Veykla 2010 and for all Eternity!"

Thursday, October 8, 2009

Pole Dancing Championships Winners: Tunay na Veyklas

Ay! Ang tatarush ng mga muratchi-chi na itey, award ko sa kanila ang Tunay na Veykla honorary membership!

Wednesday, June 17, 2009

Starbucks Sirena: Tunay na Veykla


Well, well, well, s'yempre 'di papatalbog ang pinsan ni Little Mermaid Ariel na itez.

Obviously, mas mataruz zsa dahil dalawa ang buntot n'ya (for better grip daw). Proud ever pati zsa, na in keeping with her pagka-veykla, eh verde ang logo n'ya. At...may crown zsa ning na laging zuot! (kever kung simbigat ng Sydney Opera House).

Come to think of it, mas maraming mga tunay na veyklas na nagkape kapehan sa Starbucks! Di ba ni, support kay ateng?

Wednesday, June 10, 2009

Crayola: Tunay na Veykla


Kahit crayola (cry) s'ya minsan, makulay s'ya ever, at nag-e-exist s'yang tunay para maging makulay ang mga bagay bagay na walang kulay at nagiging instrumento para magkaron ng hugis at porma ang mga imahinasyon ng mga utawba. Di ba ni?

Tuesday, June 9, 2009

Uod (earthworm): Tunay na Veykla


1. Konting kislot n'ya at chorva ay bumobongga ang mundong ibabaw (think "Isang Gunting, Isang Suklay" ni Mother Ricky Reyes. O ha! Ang gandAh!).
2. Associated sa bird na malaki (although, sa tru, s'ya talaga ang lumalafyus ng bird na itwu).
3. Ambilis dumami sa madilim na lugar.

Sunday, June 7, 2009

Happy Horse: Tunay na Veykla

S'ya ang syofatid na veykla ni Red Horse: Happy Horse! Mas makyondi ang hairlalu di vah?

Monday, May 4, 2009

Kerokerokeroppi: Tunay na Veykla



Naman! Proud s'ya sa verde n'yang kulay, at most importantly, bongga s'yang kumokak.