Monday, May 25, 2009

Veykla Ideya # 3: Pangkabog sa Facebook-Najisip ng Bumorwa (gumawa) kay ZsaZsa Zaturnnah

Hey veyklas! Itey, na-matuz kech na latest na chorvas ni Carlo Vergara sa kanyang ka-blogan (http://carverhouse.blogspot.com/)
______
Programmer Juniffer
Maganda kayang pangalan ng search engine 'yan?

Programmer Zoorla
Echosera?

Programmer Juniffer
Oo. Tignan mo 'yung mga pangalan ng mga applications at websites ngayon. Mayroong Ubuntu, Squidoo, Twitter, Google, Django, Voxli, Phlook, Plurk... 'di ba parang mga tanga? Pero memorable ang mga pangalan kase kakaiba.

Programmer Zoorla
Eh kung Chorvah na lang?

Programmer Juniffer
Hmmm... Chorvah... "We will soon be releasing the beta version of our Chorvah search engine very soon. Chorvah's revolutionary search protocols and algorithms guarantee accurate results everytime. Eventually, users will equate Chorvah with accurate, relevant and up-to-date web searching. Complete your web experience with Chorvah."

Maganda.... I like...Dadating ang panahon na sasabihin na lang natin ay, "Punta ka sa Web at i-Chorvah mo na lang."

Programmer Zoorla
O, i-print mo na 'yan. Puntahan mo na si Designer Mishokolat para gawan ng logo.

Programmer Juniffer
Or, in English. "Log on to the Web. Just Chorvah it! Did you Chorvah it already? I love, love Chorvah."

Programmer Zoorla
O, sya. bablik na ako sa trabaho. Basta kapag yumaman ka diyan, huwag mo akong kalimutan.

Programmer Juniffer
Ano nga pala ang project mo ngayon?

Programmer Zoorla
Social networking site. Kakalabanin ang Fezbook.

Programmer Juniffer
Anong title?

Programmer Zoorla
Chenelyn.

No comments:

Post a Comment