Tuesday, August 24, 2010

Venus Raj Miss Universe 2010 Tunay na Veykla Queen!

Yes, ladies and gentlemen! Iteykla ay isang major major way kong pagbigay tribute sa nag iisang si Maria Venus Raj! 'Di man nya nasungkit ang korona ng Miss Universe 2010 ay heto naman at malugod kong ina-award ang crowning glory ng aking blog: ang titulong Tunay na Veykla 2010 and for all Eternity!

(i-double click ang piktyuresa para lumaki at makita ang detalye ng crowning glory n'ya)

O di ba ni, getching ng lahat ng tunay na veyklas ang answerlulu nya sa kweystyon ni Papa William Baldwin. Opening line pa lang: "Thank you so much sir for that wonderful question, good evening Ladies and Gentlemen, good evening Las Vegas!" alam mo na ha! Laking byukonerang tunay na veykla ang Venus! At syempre knowing na naten lahat kung aneklabum ang truling meaning ni Venus Raj nung seychi nya na "major major," which is? O, sabay sabay sambitin mga tunay na veyklas! "BONGGANG BONGGA!" Di ba ni!

Ning! Nanginig ang luha ko sa na achieve ng lola Venus Raj nyo!

Kaya, para sa ken, 'di lang sya Miss Wish Ko Lang 2010, 4th Runner up Miss Universe 2010...sya rin ang "Tunay na Veykla 2010 and for all Eternity!"

2 comments:

  1. wait! pwde bang mahiram yang korona ni venus?
    tita anufi sali kasi ako ng miss gay mmda e

    ReplyDelete
  2. Napaka seksi talaga ni Venus... She actually one of my top 3 choices noon...

    ReplyDelete