Wednesday, May 27, 2009

Babaylan Ida : Tunay na Veykla

Ginawa ni Babaylan Ida (famosong karakter sa mga veyklang naglaway kay Shaider once upon a time) ang lahat para kay Fuuma Ley-ar. S'ya din ang nagpa-anak sa lahat ng monsters ni Fuuma Ley-ar sa tuwing ito'y mangingitlog. Si Babaylan Ida rin ang magiting na veyklang taga-chorva ng "Time Space Warp." At sa huli, kahit nagamit s'ya ng todo ni Fuuma Ley-ar, ay umamin na rin na natalbugan s'ya ni Annie na laging nakikitaan ng panty. Alam nating mga veykla na sa tru lang ay mahal na mahal ni Ida si Shaider, subalit nanaig pa rin ang pagmamahal n'ya sa pamilya n'ya kahit pa itwu'y mga tunay na monstrosas. At, at, at, mind you, naging magnanimous at bonggang veykla pa rin si Ida at kinongratulate pa sina Shaider at Annie sa ending.



Abangan ang pagtitirik ng monumento para kay Ida sumwer in Edsa sa pagtutulungan ng mga nahaplos sa puso ni Ida na mga tunay na veyklang Filipinos.

(super thank you kay Abet sa photo ni Ida ditey at sa facts sa kanyang blog http://abet28.blog.friendster.com/2008/10/shaider-revisited/)

No comments:

Post a Comment