Monday, May 25, 2009

Sweet Quotes

(obvyosang ginetch ang photo ni Sweet na itey sa PEP)

Itey ang mga nasagap at nakalap nating mga quotable quotes mula sa ating prima claseng tunay na veyklang si John "Sweet" Lapus (mula sa kanyang column na "Korek Ka John!" (09/12/2008) sa http://blogs.pep.ph/korekkajohn/?p=384)

____

Quote # 1

"Walang baklang istambay. As in pang lalaki lang ang word na ‘yan."

Quote # 2

"Ang mga bakla ‘pag iniwan ng jowa, mababaliw lang—iiyak…mag-e-emote…magkukulong sa kwarto…magluluto…magpapa-parlor…’tapos may jowa na ulit. Taray!"

Quote # 3

"Ang mga bakla, may taste. Pag sinabi naming pangit, pangit talaga ‘yon. Pero pag sinabi naming maganda, ay maganda talaga ‘yon. May kaibigan akong lalaki. May pina-date sa akin na barkada daw niyang guwapo. Sa barkada nila, ‘yon daw ang pinaka-guwapo. Nang makita ko, ang naisip ko lang, “Diyos ko po! Ano pa itsura ng pangit sa barkada nila?” May barkada naman akong babae. Pinakilala sa akin yung manliligaw niya. Super guwapo daw. Pucha, pagkakita ko, napa-C.R. ako."

No comments:

Post a Comment